GALO ADOR, JR - 1969-2008

"Let no man fear to die, we love to sleep all, and death is but the sounder sleep."
Francis Beaumont


“Sino ba’ng tatanda?”

I was standing beside Galo , who at that time, as usual, was lighting another cigarette (he was a chain smoker) when he uttered those words. We were in his house, taking a break from an exhausting brainstorming for a planned TV show. The topic at that time was about going old and somebody in our group had just asked Galo on his plans “pag matatanda na tayo.”

Galo was a good friend. Halos sabay kaming nagsimulang magsulat nito sa komiks. Hindi kami masyadong naging magkalapit noong nasa komiks pa kami, halos tanguan at ngitian lang ang batian namin kapag nagkikita kami. Galo, like me, loved to write brutally sad, depressing stories then. We got close when we (together with fellow komiks writers Ronald Tabuzo, Arman Francisco, Mars Alvir, Lito Tanseco and Jeffrey Ong created and financed Dark Pages , an indie comics that got lot of praises but was a disaster income-wise. We probably were good comics writers but we were terribly-bad businessmen.

After Dark Pages, Galo and I went on to collaborate on other projects, one of the most memorable of which was when we helped in the campaign of a presidential candidate (we wrote scripts and handled provincial campaign sorties that featured many celebrities like Joyce Jimenez, Viva Hotbabes, Albert Martinez, Rachel Ann Go, Mark Bautista, etc) Unfortunately, that candidate won.

May mga panahon na halos araw-araw ay nasa bahay kami ni Galo kasama ang iba pang ABS-CBN writers, nagdidiskusyon tungkol sa kasalukuyang proyektong ginagawa, nagkukuwentuhan ng kung anu-ano lang, nagbabatuhan ng malulupit at brutal na berdeng biro kahit may kasama kaming mga dalaga sa grupo, nagto-tong-its (Galo was the FPJ of our group when it came to tong-its; natatalo lagi at nagpapabugbog sa una pero pagdating sa huli, kung saan malaki na ang pustahan, siya pa rin ang panalo), nag-iinuman, kumakain (Galo loved to eat and cook). He also loved movies and had a roomful of DVDs.

"Sino ba’ng tatanda?"

Who would have thought that those words would be prophetic?

Last Monday, March 10, 2008, 1:30 in the morning, Galo died. He finally succumbed to many illnesses plaguing his body.

Rest in peace, pre.

Comments

ronald tabuzo said…
writing was his life.

ilang beses akong tinawagan ni galo para isama sa mga project nya sa abs. di pa ko tumanggi sa kanya.

kung uso ang tv, komiks, sine sa pinuntahan nya, i'm sure gagawin nya lahat para makapagsulat. kung magkakaron sya ng bagong project, wag na sana nya kong tawagan pa. this time, tatanggi na ko. ngii...

mami-miss kong "pa-kape" ni galo.
KOMIXPAGE said…
Ha-ha-ha! Malamang sa Starbuck ka niya isama kung meron nito sa pinuntahan niya Ronald. Doon kayo magbe-brain storming dalawa. Make sure na ibabato mo sa akin ang cup na pinagkapehan mo for souvenir.
Ron Mendoza said…
Ronald, salamat sa pagbisita.

Naghahanap daw ba ng makakasama sa bago niyang project si Galo? Pass muna 'ko. He he.

Speaking of coffee, si Galo yata ang unang nagpatikim sa 'kin ng kape na maanghang pero masarap.

Arman, pasok minsan tayo sa Starbucks, magkape tayo. Pero do'n tayo sa Dunkin Donuts bibili ng kape,sa Starbucks natin iinumin. He he.
Starbucks? Ano 'yun! Bagong album ng Eraserheads? Hehehe! Biro lang.

Hindi ako nakasama pagpunta n'yo nina Galo sa Starbucks, nagbuburo na yata ako sa bikol nu'ng mga panahong iyon.

Nakapasok nga lang pala ako sa Starbucks nu'ng nasa Super Inggo/Kung Fu Kids team pa ako, doon madalas ang meeting place namin dahil mas convenient yata magsermon sa ganu'ng lugar 'yung unit head namin. Hindi lang kami nagkakape, nagpapakain pa siya ng mga snacks na worth 300 pataas ang isang order, halos ayaw ko ngang kainin, kinukwenta ko kung magkano ang bawat subo. Hehehe. Nalulula ako, isang meeting namin du'n, mababa na ang dalawang libo sa bawat bill. Ilang date na namin 'yun ni misis sa McDo. Anyway, at least na-experience natin 'yung gano'n, hehe.
May isang place pa pala na paboritong puntahan nu'ng unit head namin. Sa UNO, matatagpuan siya sa Tomas Morato, tapat ng Ratsky.

Baka gusto n;yong i-try, P300 lang naman ang isang platong spaghetti. Hehehe!

Popular posts from this blog

Things You Are Not Allowed To Do During Holy Week (Or So They Say)

"Hey, This Song Has Built A House Inside My Head!"

AND HERE'S SOME BAD NEWS...