A HALLOWEEN STORY
BABALA: Huwag basahin ang sumusunod na kuwento kung matatakutin ka at may sakit sa puso. “Anak ng..!” nagmumurang himutok ni Dave ng mabigo pa rin siyang paandarin ang tumirik niyang kotse. Brand new 'to, ano ang magiging problema nito? tanong niya sa sarili habang lumalabas. Mag-aala-una na ng madaling-araw. Nasa ilang na lugar siya, walang kabahayan sa paligid, puro patay na puno ang nakikita niya at walang nagdaraang sasakyan. Ang bilog na buwan ay parang napakalapit at abot-kamay lamang niya, nakasisilaw ang liwanag nito. Parang napakahiwaga ng lugar na kinaroroonan niya. Parang anumang oras ay mabibiyak ang aspaltadong kalsadang kinatutuntungan niya at magluluwa ng sari-saring diyablo at halimaw upang gutayin at pagsalu-saluhan ang katawan niya. Sisilipin sana niya ang makina ng sasakyan niya ng magitla siya… Isang matandang lalake ang nakita niyang nakatayo sa likuran niya at nakatingin sa kanya. Nakasuot ito ng puti ngunit marusing na barong tagalog. May hawak itong isang l...