Ang Buwan Ng Wika At Ang Kadahupan ng Pagmamahal Ng Maraming Pilipino Sa Sariling Wika
Nagkaroon ako ng isang may kasinsinang pakikipagtalakayan sa isang punong-patnugot ng isang malaking limbagan ng mga Tagalog na aklat ilang araw na ang nakakaraan at nabanggit niya ang tila kawalan ng interes ng maraming kabataang Pilipino sa malalalim na wikang Tagalog, na isang paksang may kabalintunaan dahil Buwan ng Wika ngayon. Marami raw kabataan ngayon ang walang pagnanais na matutunan ang maraming malalalim na salitang Tagalog. Nakapagdudulot ito ng ibayong kapanglawan dahil kung ating dadalumatin, walang dudang napakarikit at nakakarahuyo ang ating pambansang wika. Narito ang ilang halimbawa: Matitimyas Na Mga Salitang Pilipino. Sa halip na hayaan lang na tuluyang anurin palayo ang loob ng ating mga kabataan sa malalalim at mga lumang salitang tagalog, hindi ba’t mas mainam kung pagsisikapan natin silang mabato-balani ...