WHAT THE F... IS GOING ON?

Hindi ko alam kung napapadalas lang ang inom ko nitong mga huling araw at ayaw ng umalis ng ispiritu ng alak sa utak ko kaya laging hilo ang pakiramdam ko pero maraming nangyayari rito sa ‘Pinas nitong mga huling araw na sobrang kakatwa ang dating para sa akin na nag-uudyok tuloy sa akin upang mag-isip na baka nalalapit na ang pagkabura ng Pilipinas sa mapa ng mundo.

Narito ang mga pangyayaring iyon:

1-A BANANA PLANT WITH NINE HEARTS.

Pinagkakaguluhan ngayon ng napakaraming tao ang isang ‘puno’ ng saging sa Calaca, Batangas dahil siyam ang puso nito (karaniwan ng isa lang o dalawa ang puso ng saging kada halaman). Ayon sa mga taong nagsasagawa ngayon ng gabi-gabing paglalamay at pagtitirik ng kandila sa tabi ng naturang halaman, may tumutulong tubig daw mula sa siyam na puso nito at ang tubig na iyon daw ay at mahimala at nakapagpapagaling ng lahat ng sakit. Wala raw gagawin ang payente kundi inumin ang tubig na nagmumula sa puso upang maghilom ang anumang dinaramdam nito sa katawan.

May lumalabas na ring kuwento na isang lalaking pilay daw ang nakapanayam ng mga mamamahayag na nagdeklarang bago siya lumagok ng tubig mula sa isa sa mga puso ng saging ay nakasaklay siya. Ngunit pag-uwi niya ay hindi na niya gamit ang mga saklay niya.

“Whoa!” one reporter allegedly exclaimed. “The pope must be informed of this!”

The reporter later learned, as he was frantically searching for the Vatican’s contact number, that the man’s crutches were just stolen by two rugby boys. Ang lalaking pilay ay umuwi pala na karga-karga ng anak nito.

“Just a piece of crap!” sagot ng isa sa mga rugby boys nang tanungin tungkol sa naghihimalang puso ng saging.

“Yeah, totally!” pagsang-ayon ng pangalawang rugby boy.

Nagpahayag na diumano si Mark Lapid, Philippine Tourism Authority general manager, ng kalagakan sa halaman ng saging na may siyam na puso at nangako ito na gagawing national landmark ang lugar na kinaroroonan ng saging na may siyam na puso. Ipinagbawal na rin ang pagtitinda ng turong saging at banana cue sa lugar upang pagbibigay-galang sa milagrosong saging.

Dahil sa napakaraming kapana-panabik na kaganapan tungkol sa saging, seryoso ko ng pinag-iisipan ngayon na lumikha ng blag (tagalog term daw for blog) kung saan ang tanging paksa na tatalakayin ay tungkol sa saging.

Pero hindi ba nakakabagabag at nakakabaghan na pati ang saging ay hinahanapan ng milagro ng marami sa mga kababayan natin?



2-SENATOR LITO LAPID’S BILL

Senator Lito Lapid finally had a bill—the proposed Legal Assistance Act of 2008— approved by the senate. According to Philippine Daily Inquirer, this was the first bill filed by Senator Lapid as principal author to be approved by the Senate since the former action star won a seat in the chamber in 2004. Lapid’s bill would give tax perks to private law firms that render free legal service to poor clients.

Reporters tried to get some comments from Lapid’s fellow senators but they were still too shocked to comment. One of them almost suffered a nervous breakdown.

The senators hope that Senator Lapid creating a smart bill does not forebode of an incoming Armageddon.

3-21 GUN SALUTE TO RUDY FERNANDEZ

Rudy Fernandez was a great actor (naalalala ko, unang araw pa lang ng pelikula nito noon sa mga sinehan ay nakapila na ako), had an amiable personality and according to his friends, a great human being but methinks (and this is not to show disrespect) he still, although he was a navy reservist, did not deserve the 21-gun salute honors given to him. A 21 gun salute is reserved only for the heads of state although some people close to Rudy’s family are now saying that the gun salute given to Rudy was different from those given to presidents. If indeed Rudy F. was honored with a gun salute, as those showbiz reporters are insisting, it will send a wrong message to the people.

Sasabihin ng mga tao, pinagpala talaga ang mga artista, kung gusto mong maging presidente, mag-artista ka, kung gusto mong maging senador, mag-artista ka, kung gustong maging mayor, mag-artista ka, kung gusto mo ng 21 gun salute kapag namatay ka, mag-artista ka. Hindi mo na kailangang mag-aral ng husto at gumawa ng mga kabayanihan.



4-PHILIPPINE FLAG ON A WOMAN’S NAKED BODY.

When I first saw the almost naked picture of Joey Mead on the cover of Rogue Magazine covered only with a painting of Philippine flag, I instantly thought that there was something wrong with it. No, Joey’s body’s fine. The curves are on the right places.

Pero tama ba na iguhit mo sa katawan ng isang hubad na babae ang watawat ng isang bansa? Tinanong ko ang ilan sa mga kakilala ko tungkol doon at ang sagot nila, dapat daw ay hindi na tinakpan ng kung ano ang katawan ni Joey Mead. Tutal, sinasagisag naman ng nasabing larawan ang kalayaan ng bansa, dapat daw ay pinalaya na sa anumang klase ng saplot ang katawan ni Joey Mead.

Now, the country’s flag authorities are crying foul over the provocative photos. They are saying that it violates the Philippine Flag Law which states that the wearing of the flag as an apparel is prohibited.

Ang dami naman kasing puwedeng gawing disenyo sa katawan na sumisimbulo sa pagdiriwang sa kalayaan ng bansa ay kung bakit bandera pa ng bansa ang napili.



5-PREPAID ELECTRICITY.

GSIS has announced that if it gets lucky and gains control of Meralco, it will implement a prepaid payment scheme for electricity. Ayon sa GSIS, ipinatutupad na ito sa ibang bansa kaya maaaari ring gawin dito sa Pilipinas. Prepaid electricity? Hindi ba weird ang dating? Talaga bang pabulusok na sa walang patumanggang paghihirap ang bayan natin at lahat na ng klaseng pagtitipid ay iniisip ng mga nasa pamahalaan?

Dumating kaya ang araw na tatawag ka sa kaibigan mo at sasabihin mo na, “Pare, pasa-load mo nga ako ng kuryente’t mabibitin lang ‘tong pinaplantsa kong underwear ng kumare mo.”



And the last sign that this country is going awry:

6-BOY ABUNDA’S BESTSELLING CD.

Matagal na sa market ang CD na ito pero kamakailan ko lang nalaman. The publicists for this CD say that it has reached gold status and is probably nearing platinum. The fact that Boy Abunda didn’t sing a single note on this album make it terribly gross. It’s blasphemous to say that you have a record album when you’re not a singer. Do people really buy this CD? O si Kris Aquino lang ang umuubos ng kopya nito?

What’s next? Cristy Fermin’s a cappella album?

Comments

Popular posts from this blog

Things You Are Not Allowed To Do During Holy Week (Or So They Say)

"Hey, This Song Has Built A House Inside My Head!"

AND HERE'S SOME BAD NEWS...